CHAKA
Hello mga KABIRIT at mga LODI,
sa EPBI, lahat ay GORA at nawiwili.
Mga CHAKA ay sobrang mabili
Kung ANEK-ANEK naiisip kulang na lang maTSUGI.
Mas pinanonood ang mga BOBITA.
Karay-karay mga AFAM at umaAWRA.
D MOVES nila ay sadyang nakakatawa
Kaya nga ba LABLAB nitong masa.
GANDARA TO THE MAX ang feel sa sarili.
OP OL DA PIPS ba naman siya ang pinili.
Walang panama ang FEZLAK na mabyuti.
Gwapong Adonis, siya ang LAFANG at katabi.
Kaya nga mga SISTERAKA 'wag na mainggit.
Kung RUMAMPA man sa rils, yakapin sila nang mahigpit.
Hindi madaling mag JOWK hanggang sa ang tiyan mo ay sumakit.
Salamat, finally may ISPEYS rin kaming mga pangit.π
EBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON
No comments:
Post a Comment