Isa ito sa mga binigay na assignment sakin ng PT ko na magpost ako ng araw-araw kong gawain. Nagrent lang ako ng 30mins for 10 pesos dito sa may amin. Ginamit ko muna yung SA notebook para dito ko muna isulat.
Wala naman bago sakin. Parang sa Ward. Kain-tulog. Hehe. Halos mag-3 buwan ng ganito ang gawain ko. Di pa daw ako pede pumasok dahil last time nadistress ako ng dalawang araw.
Nakakabagot man, la ako magagawa. Nagbabasa ako muli ng Purpose Driven Life at An Enemy Called Average. Ito ang excerpts sa An Enemy Called Average:
"Stop everyday and look for the size of God. Don't do anything that doesnt require faith".
Sa maga nangyari sa akin di ako nagsisi na bumalik ako sa pag-Katoliko. wala naman ako against sa Born-again, sa katunayan madami din akong natutunan sa mga gawain tulad ng Singles Ministry, Bible Studies at mga Seminars na aking inattendan noon.
Balak ko Mag-renewed Christian o Kerygma, kaso nawala ung number ni Donna. Kaso sa ngayon wag muna daw kasi baka kung anong ideas ang mapulot ko at maapektuhan ang SA at online therapy ko every morning. Taga-makati Med din siya at walang bayad. nakita ko lang sa Multiply. Sa SA ko, sana maintindihan mo sa ngayon nahihirapan ako at babalikan ko un mga chapters. Nagkakamemory lapse ako dahil sa mga gamot..
Thanks for the people who visited my site 34 times today, 19 people....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment